Is it over between Dra. Vicki Belo and Hayden Kho, Jr?

Isang nakakaintrigang mensahe ang inilabas ni Dra. Vicki Belo sa kanyang Twitter account ngayong hapon, Pebrero 10, tungkol sa fiancé niyang si Hayden Kho.

Ayon kay Vicki, “nancycastilogne you can now openly date @haydenjr . You have my blessings . Hope you’ll both be happy .”

Sa naturang mensahe, tila ipinahihiwatig ng celebrity cosmetic surgeon na hiwalay na sila ng nobyo.

At ang dahilan: ang aktres na si Nancy Castiglione.

Mas lalong umingay ang alingasngas tungkol sa umano’y hiwalayan ng dalawa dahil agad na sumagot si Hayden sa mensahe ni Dra. Belo gamit din ang Twitter account.

Ani Hayden, “Before things go out of hand: Vicki and I are just having a misunderstanding. Don’t make conclusions. There’s NO infidelity issue here.”

Kani-kanila lang ay muling nag-post ng mensahe si Hayden sa kanyang Twitter account:

“I feel that the public doesn’t have to get involved in this but since names have to be cleared and this issue involves the welfare of two innocent toddlers, I will have to speak out my piece, but at the right time. Thank you.”

Totoo nga kayang hiwalay na ang magkasintahan?

Kahapon, una nang lumabas sa PEP Alerts na hindi na raw interesado ang beauty doctor sa kasal nila ng doctor-turned-entrepreneur.

Ano naman ang kinalaman ni Nancy Castiglione sa isyung ito?

NO SIGNS OF TROUBLE? Nakapagtataka ang bagong yugtong ito sa relasyon nina Hayden at Vicki.

Nito lamang kasing Sabado, Pebrero 4, ay nakita pa silang magkasama at malambing sa isa’t isa sa isang children’s party na ginanap sa NBC Tent sa The Fort.

Masaya rin silang humarap sa media noong Martes, Pebrero 7, sa Skin party sa Genting Club, Resorts World Manila.

Sa interview ng dalawa sa media ay sinabi nilang matutuloy ang plano nilang pagpapakasal ngayong taon.

THE HAYDEN-NANCY CONNECTION. Kung pagbabasehan ang Twitter posts nina Nancy at Hayden, masasabing magkakilala at magkaibigan ang dalawa.

May ilang beses na rin kasi silang nag-usap gamit ang naturang social networking site.

Nito lamang Enero 10 ay nagpalitan ng tweets ang dalawa na nagsimula sa pagpo-promote ni Hayden ng isang skin-rejuvenating product ng Belo Medical Group.

Nagkainteres sa produkto si Nancy at nauwi ito sa pagbigay niya ng kanyang cell phone number kay Hayden upang ma-i-refer umano siya sa isang nagngangalang Dr. Lipana.

Ipinakilala pa ni Hayden si Nancy kay Dra. Belo gamit ang Twitter nang i-tag nito ang username ng kanyang nobya.

May ilang ulit pang nagkausap sina Hayden at Nancy sa Twitter mula noon, lalo na kung ang paksa ng usapan ay tungkol sa pagpapapayat at pagpapa-sexy na isa sa mga pinagkakaabalahan ngayon ni Nancy.

Kahapon, Pebrero 9, ang huling public interaction nina Nancy at Hayden sa Twitter.

Nag-post si Nancy ng larawan niya kasama ang dalawang anak niya sa isang restaurant.

May nakakaintriga namang sagot si Hayden tungkol sa ipinost na larawam ni Nancy.

Sabi ni Hayden: “@vickibelo and I will have the one on the left.”

Taong 2008 nang pansamantalang lisanin ni Nancy ang showbiz upang pagtuunan ng oras ang pagbubuntis niya sa kambal na anak nila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Noong nakaraang taon ay nagpahiwatig ito ng intensiyong balikan ang naiwan niyang singing career kung saan ginagamit niya ang screen name na Nancy Jane.

Samantala, hindi pa matukoy sa ngayon ang tunay na dahilan ng pagkakalabuan nina Hayden at Vicki, at kung ano ang kinalaman ni Nancy sa isyung ito.

Sa text message na natanggap ng PEP mula kay Carlo Orosa, manager ni Hayden, kakausapin pa lamang daw nito ang kanyang alaga tungkol sa naturang isyu.

Kinokontak din sa ngayon ng PEP ang manager ni Nancy na si Arnold Vegafria upang magbigay-linaw sa isyu.

Nananatili ring bukas ang PEP para sa panig ni Dra. Belo at iba pang sangkot sa isyu.

Abangan ang susunod na update tungkol sa balitang ito.

Source: PEP.ph

Cosmetic doctor charged for secretly filming sex videos

Dr. Hayden Kho

Dr. Hayden Kho

MANILA, Philippines–Doctor-turned-show business personality Hayden Kho is now facing criminal charges in the Pasig Regional Trial Court in connection with a sex video scandal involving him, actress Katrina Halili and other women whom he secretly filmed during their trysts.

Government prosecutors charged Kho Thursday with violation of Republic Act 9262, or the Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004, for secretly videotaping his tryst with Halili and later causing her “mental distress and anguish” when the video came out in public.

The Department of Justice (DOJ), however, dropped Halili’s complaint against cosmetic doctor to the stars Victoria “Vicki” Belo-Henares, Kho’s lover, and Kho’s colleagues Erick Johnston Chua, Dr. Mark Herbert “Bistek” Rosario and Princess Marie Velasco.

 

Read more…

Madrigal wants ‘powerful’ drug supplier in sex scandal named

The syndicate responsible for the distribution of the sex video featuring cosmetic surgeon Hayden Kho and Katrina Halili might be the same “powerful” group supplying drugs to some entertainment people, Senator Maria Ana Consuelo “Jamby” Madrigal said Friday.
“We have information that Eric Chua and Bistek del Rosario sold the video to a person, who is involved with drugs,” Madrigal told ABS-CBN’s morning show, “Umagang Kay Ganda.”

Read more..

Hayden Kho slammed over alleged sex videos of celebs

MANILA, Philippines – The hot video clips did not only spread like wildfire. The recordings supposedly showing cosmetic surgeon Dr. Hayden Kho in bed with celebrities had also made many eyes dilate after these hit the Net recently.

Lawmakers, feminists, and even his colleagues in the medical profession didn’t like what they either heard or saw: Kho’s alleged sultry scenes with sexy actress Katrina Halili and his alleged sexual acts with two other women, reportedly top commercial models.

Read more..

Battle for Belo wealth reaches SC

Still reeling from her recent split with her boyfriend Hayden Kho, popular cosmetic surgeon Vicky Belo faces another battle, this time at the Supreme Court.

Belo’s former live-in partner Jose Santos is running after a directorship in the firm, having supposedly acquired 25 percent in the shares of stock in the company while he and Belo were living together as “husband and wife.”

Santos had sought to obtain copies of minutes of meetings, board resolutions, financial reports and other documents of the Belo Medical group.

But he was not given access to the company’s books because he was a mere nominal shareholder of her shares, which means that he only held the shares on her behalf.

Read Full Article