Fans go wild as Marian sings while on a wheelchair at LA concert

Hindi binigo nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang fans nila na nanood ng kanilang concert sa Los Angeles. Kahit nakabenda ang paa dahil sa pilay, gumiling pa rin ang aktres na sinuklian naman ng mga manonood ng mainit na palakpakan.

Noong una ay inakala ng fans na hindi na talaga nila makikitang magsasayaw si Marian lalo nang makita nila na ibang babae ang partner ni Dingdong sa unang dance number ng aktor, ayon sa Chika Minute portion ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes.

Pero sa ikalawang dance number ni Dingdong, biglang pumasok si Marian na naka-wheel chair at laking gulat ng mga tao nang tumayo siya at nagsayaw.

“Alam kong mahirap sumayaw para sa akin pero kung makikita mo ngayon ang mga tao rito sobrang nag-effort sila para makita lang tayo,” pahayag ni Marian.

Napilayan ang isang paa ni Marian habang kinukunan ang eksena sa isa niyang pelikula. Pero sa kabila ng kanyang kalagayan, pinilit pa rin niyang magtungo sa US para hindi mabigo ang kanilang fans ni Dingdong at iba pang Kapuso stars….

[Continue Reading]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>